Bagamat nagkaroon na ng agreement sa pagitan ng management at empleyado ng MMDA, pinangangambahan pa rin ng mga kawani na tuluyang hindi na maibigay sa kanila ang benepisyo na dapat ay sa kanila.
Nag-ugat ang agam-agam ng MMDA personnel na epektado sa nasabing isyu nang sambitin ni MMDA Assistant General Manager Eduardo Fainsan na idedetermina ang halaga ng mga bayarin depende sa magiging savings ng ahensiya sa taong kasalukuyan.
Partikular na tinuran ni Fainsan ang demand ng mga street sweepers at traffic aides dahil ang pagkukunan nito ay nakasalalay sa pondo ng MMDA lalo pa nga at halagang P30,000 sa 4,000 kawani ang umaasa na tatanggap ng benepisyo.
Ayon sa mga opisyal ng Sanggunian ng Kawanit Manggagawa at Mamamayan sa Kamaynilaan o SAKAMAY, karamihan sa mga empleyado ng MMDA ay naipautang na nang may tubo ang kanilang pera bunsod ng labis na pangangailangan gayong hindi pa nila hawak ang salapi na umanoy pinaghirapan na ay hirap pa silang kumolekta.
Kasama ni Fainsan ang pitong miyembro ng binuong MMDA panel at ng legal service chief na si Atty. Emmanuel de Castro na bumalangkas at nagsagawa ng negosasyon para resolbahan ang collective negotiation agreement na isinasamo ng SAKAMAY sa management. (Lordeth Bonilla)