14-anyos na dalagita pinatay sa palo
March 12, 2006 | 12:00am
Pinagtulungang hatawin hanggang sa mapatay ang isang 14-anyos na dalagita ng tatlong hindi nakikilalang mga suspect na nangharang dito habang naglalakad pauwi sa Paco, Maynila kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Sabrina Santos, ng 1711 Paz St., Paco dahil sa matinding bugbog sa katawan sanhi ng matitinding palo.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa tatlong hindi nakikilalang kalalakihan na tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat ni Det. Joseph Kabigting, ng Manila Police District-Homicide Division, dakong alas-6:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Quirino Avenue at Leon Guinto, Singalong.
Sinasabing bago naganap ang insidente ay naglalakad pauwi ang biktima kasama ang ilang kaibigan subalit pagsapit sa naturang lugar ay bigla itong hinarang ng mga suspect at walang sabi-sabing pinaghahataw ang biktima.
Ikinabigla naman ng kasamahan ng biktima na walang nagawa sa pangyayari hanggang sa tuluyang bumagsak ang biktima.
Matapos ang insidente, mabilis na nagsitakas ang mga suspect, habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot nang buhay.
Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya kung may kaugnayan sa frat war ang motibo sa pagpatay sa biktima subalit ipinagtaka rin nila kung bakit ang biktima lamang ang siyang pinuntirya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended