Lola, 2 pa timbog sa abortion
March 11, 2006 | 12:00am
Isang 78-anyos na lola at dalawang katulong nito na sangkot sa malawakang abortion ang inaresto ng operatiba ng Northern Police District (NPD) sa isang entrapment operation sa liblib na lugar sa lungsod ng Caloocan, ayon sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang mga naarestong sina Catalina Jose, alyas Nanay Helen, 78; at ang dalawang katulong nito na si Nilda Gomez, alyas Yayang, 41; at Michael David Jose, alyas Bong, ng Phase 2, Package 2, Block 44, Lot 17, Bagong Silang.
Si Nanay Helen ang sinasabing nagsasagawa ng aborsyon habang ang dalawa ay nagsisilbing alalay nito sa kanyang operasyon.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng sumbong ang mga tauhan ng pulisya ukol sa operasyon ng mga suspect kung saan ay inihanda ang isang entrapment operation.
Huli sa akto ang mga suspect kung saan nasamsam sa mga ito ang ibat ibang gamit sa aborsyon.
Inihahanda na ang kaso laban sa mga ito. (Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am