Kinilala ang mga naarestong suspect na sina Antonio Intalan, 36; Ronnie Salandanan, 36; Jojo de Leon; Alvin Galocios; Jose Roxas; Rodel Yabut, 42; Leodario at Earl Aralal, 52; Ricky de Leon, 52; at apat na kababaihan na hindi muna pinangalanan ng pulisya.
Ayon kay Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF) chief Marcelo Ele Jr., dakong ala-1:30 ng hapon nang magsagawa sila ng raid sa Brgy. Pineda ng lungsod na ito dahil sa sunud-sunod na reklamo nilang natatanggap hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa lugar.
Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Quezon City Executive Judge Natividad Dizon ay sinalakay ng mahigit 100 kapulisan mula sa pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) at AIDSOTF ang apat na kabahayan ng hinihinalang mga notoryus na drug pusher na kinilalang sina Ronnie Salandanan, Cenon Intalan, Jojo de Leon at Yoyong Pirote.
Kasamang naaresto sina Salandanan at de Leon na napag-alamang kamag-anak ng barangay captain ng lugar na si Jaime de Leon habang nakatakas naman sa isinagawang raid sina Cenon Intalan at Yoyong Pirote.
Nakuha sa mga nasabing bahay ang hindi pa batid na dami ng shabu, mga paraphernalia nito, timbangan, kalibre .38 baril, samurai at ilang piraso ng patalim. (Edwin Balasa at Joy Cantos)