^

Metro

Ex-PBL, UAAP player timbog sa pagpaslang sa taxi driver

-
Isang dating player ng Philippine Basketball League (PBL) at University Athletic Association of the Phils. (UAAP) ang naaresto kahapon makaraang holdapin at patayin nito ang isang taxi driver sa Muntinlupa City.

Kinilala ang suspect na si Javier Gallent, 38, ng #3 Angeles St., Alabang Hills Village, Brgy. Alabang, ng lungsod na ito, at nahaharap sa kasong robbery with homicide.

Ang biktima namang nasawi ay si Alurito Denobo, 48, ng Area J, Blk. 9, Lot 4, Brgy. Madera, Samaka Site, Gen. Mariano Alvarez, Cavite, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, Marso 5 nang sumakay ang suspect sa taxi ng biktima na may plakang TWB-475 at nagpahatid sa kanyang bahay, base na rin sa naka-record sa mga guwardiya ng Alabang Hills Village.

Marso 6, dakong alas-9:15 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa #24 Baguio St., ng nabanggit na lugar at namataan na ang nagmamaneho ng taxi nito ay ang suspect na si Gallent.

Dakong ala-1 kamakalawa ng hapon, sa isang follow-up operation ng mga pulis, nadakip ang naturang suspect at nagkaroon pa ng ilang oras na habulan sa may area ng Merville, Parañaque City. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALABANG HILLS VILLAGE

ALURITO DENOBO

ANGELES ST.

AREA J

BAGUIO ST.

BRGY

JAVIER GALLENT

LORDETH BONILLA

MARIANO ALVAREZ

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with