2-buwang sanggol dinukot ng ama

Isang 2-buwang gulang na sanggol na lalaki ang iniulat na dinukot ng kanyang sariling ama, kahapon ng umaga sa Makati City.

Habang isinusulat ang balitang ito, naglunsad ng rescue operation ang mga pulis para mabawi ang baby na si Jomarie Salanio sa kamay ng dumukot na ama na si Johnny Salanio, 27, ng 3159 New Panadero St., Sta. Ana, Manila.

Base sa reklamo ng ina ng sanggol na si Marilou Entrina, 20, sa tanggapan ng Women’s Children and Protection Desk ng Makati City Police Station, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa kanilang tinitirhan sa 1747 Reposo St., Makati City.

Ayon dito, hiwalay na sila ng suspect , nabatid na bigla na lamang sumugod sa kanilang bahay si Johnny at puwersahang kinuha ang kanilang anak.

Dahil dito, agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang ina ng biktima at inireklamo ang suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments