^

Metro

5 pinagpipilian para maging hepe ng Pasig Police

-
Limang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang pinagpipilian para umupong chief of police ng lungsod ng Pasig matapos na masibak ang hepe nito dahil sa sinalakay na palengke ng shabu kamakailan.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Vidal Querol, ang mga pinagpipilian para pumalit sa naiwang puwesto ni Sr. Supt. Raul Medina na sinibak sa puwesto ay sina Sr. Supts. Leo Gara, hepe ng Caloocan Police; Jun Cruz, Public Information Office (PIO) chief ng NCRPO; Danilo Pelisco, personnel ng NCRPO; Ramon de Jesus at Romeo Abaring, officer-in-charge ng Pasig Police.

Dagdag pa ni Querol, ngayong araw na ito ay isusumite nila ang mga nasabing pangalan kay Pasig City Mayor Vicente Eusebio upang siyang personal na pumili ng magiging hepe ng kanyang lungsod.

Subalit tila nakalalamang na si Sr. Supt. Gara dahil napag-alaman na napakalakas nito kay Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) chief Marcelo Ele Jr. na siyang namuno sa pagsalakay sa tiangge ng shabu sa Mapayapa Compound noong Pebrero 10 na ikinaaresto ng may 312 katao at nakakumpiska ng mahigit kalahating kilo ng shabu at isang sako ng paraphernalia nito.

Napag-alaman pa sa isang radio report na nagpaalam na umano si Gara sa Caloocan Police at sinabing lilipat na siya ng Pasig.

Matatandaang sa nasabing raid ng tiangge ng shabu ay sinibak ang may 22 Pasig police kabilang sina Eastern Police District (EPD) chief Oscar Valenzuela na pinalitan ni C/Supt. Charlemagne Alejandrino at Medina samantalang ipinadala naman sa Subic upang sumailalim sa re-training ang mahigit 300 kapulisan sa Pasig. (Edwin Balasa)

CALOOCAN POLICE

CHARLEMAGNE ALEJANDRINO

DANILO PELISCO

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

JUN CRUZ

LEO GARA

PASIG

POLICE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with