8 holdaper arestado sa QC
March 5, 2006 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD- DIID) ang walong kilabot na holdaper na nagsasagawa ng operasyon sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa Quezon City.
Iniharap ni QCPD-DIID chief, Supt. James Brillantes ang mga suspect na sina Larry Francisco, 43; Edwin Espino, 28; Leonezis Saballe, 22, pawang miyembro ng Sputnik Gang; Jose Anthony Caneta, 22; Joey Balawang, 35, kapwa miyembro ng Batang City Jail; Edwin Miranda, 24, ng Commando Gang; Edgardo Narciso, 24, at Emmanuel Frias, 20.
Ayon kay Brillantes ang operasyon ay isinagawa matapos silang makatanggap ng report mula mismo sa tanggapan ni QC Mayor Feliciano Belmonte tungkol sa laganap na holdapan sa A. Bonifacio Avenue.
Agad namang nagsagawa ng surveillance si Brillantes at matapos ang kumpirmasyon ay nagpanggap na pasahero ng isang jeep ang isang tauhan nito na si PO2 Reynaldo Yap dakong alas-5:30 ng hapon noong Biyernes.
Kasalukuyang hinoholdap ng mga suspect ang passenger jeep na sinasakyan ni Yap hanggang sa harangin ito at arestuhin ng mga pulis.
Positibo ding itinuro ng iba pang mga biktimang pasahero ang walong suspect na nakuhanan ng sumpak, apat na patalim at ice pick.
Sasampahan ang mga ito ng kasong robbery holdup at illegal possession of firearms and deadly weapon. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest