^

Metro

TUP student patay sa hazing

- Angie dela Cruz, -
Isang mechanical engineering student ng Technological University of the Philippines (TUP) ang nasawi sa hazing na isinagawa ng umano’y inaniban nitong fraternity kahapon ng umaga sa Makati City.

Patay na nang idating sa Manila Sanitarium Hospital ang biktimang si Clark Silverio, 18, ng 153 David St., Pasay City sanhi ng tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan makaraang gulpihin at paghahatawin ito.

Nakilala naman ang suspect na si Edmar Gipan, 18, ng 2359 Jasmin St., Malate, Manila, 1st year college mechanical engineering student din sa TUP.

Sa paunang ulat, dakong alas-5 ng umaga nang matagpuan ang duguan at nakabulagtang biktima ng isang nagpakilalang concerned citizen sa may panulukan ng Vito Cruz Extension at ABC St., Brgy. San Antonio Village, Makati City kaya agad itong dinala sa nabanggit na pagamutan.

Gayunman, patay na ito nang idating sa ospital, pinigil ng guwardiya ang nagdala na di naglaon ay nakilalang si Gipan kasama ang iba pang kasamahan sa fraternity na mabilis namang nagsitakas na.

Dahil sa findings na posibleng namatay sa bugbog o hazing ang biktima ay napigilan si Gipan na ngayon ay sumasailalim sa interogasyon ng pulisya.

Malaki rin ang hinala ng pulisya na sumailalim si Silverio sa hazing at napuruhan ito na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Inaalam pa kung anong grupo ng fraternity ang sangkot sa insidente, habang patuloy na pinaghahanap ang iba pang kasamahan.

CLARK SILVERIO

DAVID ST.

EDMAR GIPAN

GIPAN

JASMIN ST.

MAKATI CITY

MANILA SANITARIUM HOSPITAL

PASAY CITY

SAN ANTONIO VILLAGE

TECHNOLOGICAL UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with