6-anyos na paslit nasagip sa nang-hostage na adik
March 4, 2006 | 12:00am
Nailigtas ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Baler Police Station 2 ang isang 6-anyos na bata matapos na i-hostage ng isang adik sa loob ng simbahan sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay QCPD-Baler Police Station 2 chief, Supt. Raul Petrasanta dakong alas-11:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Sto. Niño Parish Shrine sa Bukidnon corner Ilocos Sur, Brgy. Alicia, Bago Bantay, Quezon City.
Naglalaro ang biktimang si Jeramar Mojica, kasama ang kaibigan ng bigla itong sakalin at tutukan ng patalim ng suspect na nakilala namang si Alexis Quisumbing, 25, ng 84 Ilocos Norte, Brgy. Alicia at saka ipinasok sa simbahan.
Sinabi ng suspect na nagawa lamang niyang i-hostage ang paslit dahil sa may gustong pumatay sa kanya at nais lamang niyang makaligtas at makausap ang sinumang miyembro ng media.
Iginiit naman ng ina ng biktima na si Marissa na matagal na niyang kilala ang suspect kung kayat hindi niya akalain na gagawin niya ang pangho-hostage sa kanyang anak.
Matapos ang halos isang oras ay agad namang napakiusapan ng mga pulis ang suspect.
Sinabi ni Petrasanta na posibleng nasa ilalim ng impluwensiya ng droga ang suspect dahil nagha-hallucinate na ito.
Inihahanda na ang kaso laban sa suspect. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended