Nabatid sa pulisya, kamakalawa pa lang ng gabi nang makatanggap ang ilang mga magulang ng mga estudyante sa West Minister High School sa Balut, Tondo na nagsasaad na may itinanim na bomba sa paaralan.
Dahil dito, hindi na pinapasok ng mga magulang ang kanilang mga mag-aaral at inalerto rin ang ibang mga estudyante at pansamantalang itinigil ng mga opisyales ng paaralan ang mga klase.
Ginalugad ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Division ang lahat ng sulok ng paaralan subalit negatibo ito sa anumang uri ng bomba.
Dakong alas-10 ng umaga nang bumalik sa normal ang klase sa paaralan.
Nagkagulo rin naman sa kalapit na West Manila Christian School sa may panulukan ng Zamora at Peñalosa St. nang tumawag ang ilang mga magulang sa EOD na may itinanim rin na bomba sa paaralan.
Matapos ang ginawang paggalugad lumabas na negatibo rin ito sa bomba. (Danilo Garcia)