^

Metro

Caloocan officials kinasuhan sa Ombudsman

-
Sinampahan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Abuse of Authority sa tanggapan ng Ombudsman si Caloocan City Mayor Enrico Echiverri, ang anak nitong si Rico Judge Echiverri, Vice-Mayor Luis "Tito" Varela at 7 pang konsehal makaraang idismis ng mga ito ang isang barangay captain sa lungsod.

Batay sa complaint-affidavit na may petsang Pebrero 23, 2006 ni Herminio Ong Jr., kapitan ng Brgy. 57, Zone 5, District 11 ng Caloocan City na ilegal ang ginawang pagsuspinde sa kanya ng anim na buwan ni Echiverri at ng mga kasamahan nito.

Bukod pa rito ay hindi rin umano dumaan sa korte ang hindi makatarungang pagdi-dismis sa kanya ng alkalde ng mahigit sa isang taon bilang brgy. captain sa kanyang kinasasakupan.

"This is a clear political harassment. I am duly elected brgy. captain at walang legal na basehan at hindi rin dumaan sa korte ang pagtanggal nila sa akin sa puwesto", dagdag pa ni Ong.

Binanggit pa nito na kahit pa man napagsilbihan na niya ang anim na buwan na suspensyon ay tinanggal pa rin siya sa puwesto na aniya ay korte lamang ang makakapagpataw dahil siya ay isang elected government official.

Nabatid na si Ong ay sinuspinde ng alkalde noong Pebrero 7, 2005 at pinatawan ng dismissal noong May 26, 2005 sa pamamagitan ng City Council Resolution No. 1664.

Sinabi pa ni Ong na bagamat na may order na ang Malacañang sa pamamagitan ni Executive Secretary Eduardo Ermita na pabalikin siya sa puwesto dahil iligal umano ang ginawang hakbang sa kanya ay hindi pa rin siya pinapayagang pabalikin sa kanyang puwesto at hindi pa rin umano siya pinapapasok sa kanyang barangay hall. Ayon naman sa ilang tauhan ni Mayor Echiverri na hindi pa sila makapagbibigay ng anumang pahayag tungkol sa nasabing isyu dahil wala pa silang pinanghahawakang kopya ng reklamo sa Ombudsman ni Ong habang isinusulat ang balitang ito. (Rose Tamayo Tesoro)

ABUSE OF AUTHORITY

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO ECHIVERRI

CITY COUNCIL RESOLUTION NO

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

HERMINIO ONG JR.

MAYOR ECHIVERRI

ONG

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with