Criminology stude nagpatiwakal

Palaisipan sa awtoridad ang ginawang pagpapatiwakal ng isang 22-anyos na criminology student ng Emilio Aguinaldo College (EAC), kahapon ng umaga sa loob ng isang hotel sa Pasay City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Frederick Canoy, residente ng #1851 Espiritu St., Bgy. Baclaran, Parañaque City na natagpuang patay dakong alas-7 kahapon ng umaga sa room 215 ng Queensland Hotel na matatagpuan sa panulukan ng F, B, Harrison at Edsa Avenue, Pasay City.

Nabatid na kamakalawa ng alas-9:20 ng gabi nang mag-isang mag-check-in sa nasabing hotel ang biktima hanggang sa matagpuan na lamang itong bangkay na.

Kaagad namang ipinaalam ng pamunuan ng nasabing hotel sa mga awtoridad ang nasabing insidente at isang masusing imbestigasyon ang kasalukuyang isinasagawa upang alamin kung may "foul-play" sa pagkasawi nito. (Lordeth Bonilla)

Show comments