Ayon sa pamunuan ng Family Clinic, hindi umano nila palalampasin ang ginawang pagtatago ni Peachy Villa-Luna, 26, ng kaso upang makapagturo lamang sa kanilang eskuwelahan. Part-time instructor din sa World Citi College si Luna.
Si Luna ay kinasuhan ng asawa nito ng adultery matapos na madiskubre ang pakikipagrelasyon umano nito sa isang doktor na nagtatrabaho rin sa kanyang pinapasukang ospital noon sa Cardona, Rizal.
Nahuli umano ng asawa ni Luna ang pakikipagrelasyon nito sa doktor sa pamamagitan umano ng mga malalambing na text messages.
Una nang sinampahan ng kaso si Luna at ang umanoy doktor na karelasyon nito sa tanggapan ni Quezon City Assistant Prosecutor Lilian Romero. (Doris Franche)