Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Fire Department, nagsimula ang sunog dakong alas-9:03 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ni Brgy. Chairman Anselmo Aguilar sa panulukan ng Dominga St. at Park Avenue, Pasay City.
Nadamay din bunga ng malakas na apoy ang walong kalapit na bahay nito kung saan mahigit 22 pamilya rin ang pinaniniwalaang naapektuhan ng sunog.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nagkaroon ng short circuit sa bahay ni Aguilar na naging dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy.
Matapos ang halos apat na oras ay saka lamang idineklarang fire-out ng mga bumbero ang nasabing insidente.
Wala namang nasugatan o namatay sa insidente bagamat patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad. (Lordeth Bonilla)