^

Metro

Pagguho ng lupa sa Adriatico, pinabubusisi

-
Bumuo ng isang committee ang lokal na pamahalaan ng Manila city hall upang magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa naganap na pagguho ng lupa sa Adriatico St. Malate kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Mayor Lito Atienza Jr., itinalaga niya bilang chairman ng committte si Building Official Saturnino Disu at mula sa city engineering department na siyang mag-iimbestiga sa D.M. Consunji contractor.

Idinagdag pa ng alkalde na nakikipag-ugnayan na sa kanila ang contractor at nangakong babayaran ang anumang perwisyo na naganap bunsod sa pagbagsak ng crane sa kahabaan ng Adriatico at Taft Avenue.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang pagguho ay bunsod sa paglambot ng lupa dahil na rin sa sirang water pipe sa ilalim nito kaya’t bumigay ang steel tile na nagkokober ng excavation.

Bukod dito nagkaroon din umano ng mis-calculation sa site ng construction kaya’t maaaring ito rin ang dahilan ng pagguho ng lupa.

Matatandaan na bandang alas-6 ng hapon ng bigla na lamang gumuho ang lupa sa tinatayang construction site at nalubog ang isang Mitsubishi L300 at Kia Pregio. Masuwerte namang walang taong nasugatan o nasaktan sa naturang insidente. (Gemma Amargo Garcia)

ADRIATICO

ADRIATICO ST. MALATE

AYON

BUILDING OFFICIAL SATURNINO DISU

BUKOD

BUMUO

GEMMA AMARGO GARCIA

KIA PREGIO

MAYOR LITO ATIENZA JR.

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with