Driver patay sa hijack
February 24, 2006 | 12:00am
Patay ang isang truck driver habang kasalukuyang nawawala ang pahinante nito matapos na sumalakay ang isang grupo ng mga hijacker na tumangay sa P3.6 milyong halaga ng copper wire, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital ang biktimang si Romy Matin-ao, 30, ng Sambayanan, Muntinlupa City.
Kasalukuyan pa ring nawawala ang kanyang pahinante na nakilala lamang sa pangalang Aaron Alpay.
Sa ulat ng MPD-Homcide Section, dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang umalis sina Matin-ao at Alpay sa Manila International Container Terminal sa Manila North Harbor sakay ng 10-wheeler cargo truck na may plakang PXB-247. Laman ng container van ang may P3.6 halaga ng copper wire na nakapangalan sa Skyland Brokerage at nakatakdang ideliber sa lalawigan ng Tarlac.
Dakong alas-2 ng madaling-araw nang matagpuan ng mga barangay tanod sa Lopez St., Balut, Tondo si Matin-ao sa ilalim ng Infante bridge na naghihingalo. Nabatid na tinakpan ng masking tape ang bibig nito at nakatali rin ang mga kamay at paa habang tadtad ng saksak sa katawan. Agad namang isinugod sa pagamutan ang driver subalit nalagutan din ng hininga dakong alas-4:30 ng umaga.
Bago masawi, naisalaysay pa ni Matin-ao na pinara sila ng isang grupo ng kalalakihan kung saan isa rito ay nakasuot ng uniporme ng pulis kaya inakala nilang checkpoint. Dito na siya pinababa ng mga suspect at saka agad na pinagsasaksak bago iginapos at itinapon sa tulay.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito, habang hinahanap pa ang pahinante ng nasawi. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am