Army captain todas kay sargeant
February 24, 2006 | 12:00am
Patraydor na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Army Captain ng isang sarhento na pinarusahan ng una dahil sa kabiguang mag-duty at pagkatapos nito ay nag-suicide rin ang huli sa loob ng kampo ng Phil. Army sa Fort Bonifacio kahapon ng umaga sa Taguig City.
Nakilala ang nasawing opisyal na si Capt. Eduardo Madiclum Jr., habang ang suspect na nagpakamatay din matapos ang isinagawang krimen ay nakilalang si Sgt. Leonilo Broso.
Si Capt. Madiclum ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng M-16 rifle sa likuran at namatay habang isinusugod sa Fort Bonifacio Hospital.
Si Sgt. Broso naman ay namatay habang ginagamot sa nabanggit na pagamutan matapos magbaril sa ulo.
Ayon kay Army Spokesman Major Bartolome Bacarro, dakong alas-9:05 ng umaga sa loob ng Howitzer Battery Barracks ng Security Escort Battalion sa loob ng Fort Bonifacio nang maganap ang insidente.
Nabatid sa ulat na nauna nang pinagalitan ni Madiclum si Broso dahil sa hindi nito pagdu-duty kamakalawa ng gabi bagay na ikinasama ng loob ng huli.
Nagkaroon umano ng mainitang komprontasyon ang dalawa hanggang sa kinuha ni Sgt. Broso ang armalite rifle at saka niratrat ang nakatalikod na opisyal.
Pinaniniwalaan naman na matagal nang may kinikimkim na galit ang sarhento sa kanyang superior.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended