DILG ginulantang ng bomb threat
February 23, 2006 | 12:00am
Ginulantang ng isang bomb threat ang Department of Interior and Local Government (DILG) office sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Dakong alas-11:45 ng umaga nang makatanggap ng tawag si Edseley Estellena, executive office assistant mula sa tanggapan ng DILG Secretary buhat sa isang nagpakilala umanong miyembro ng Young Officers Union (YOU) na nagsabing may sasabog na bomba.
Bunsod nito ay agad na nagpatawag ang pamunuan ng SWAT at saka dali-daling pinababa at pinalabas ng gusali ang lahat ng mga empleyado.
Isang oras ang ginawang paglilibot ng mga awtoridad sa paligid ng gusali subalit negative ang sinasabing bomba. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended