Binatilyo patay sa bagitong parak
February 23, 2006 | 12:00am
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 18-anyos na binatilyo matapos na mabaril ng isang bagitong pulis, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa balikat ang biktimang nakilalang si Ronaldo Agapito, ng 18 Tuason St., Sampaloc, Maynila.
Sumuko naman sa Manila Police District-Homicide Division ang suspect na parak na nakilalang si PO1 Ricky Calubaguis, 26, nakatalaga sa National Capital Regional Police Office-Regional Special Action Unit at residente ng Ma. Luisa St., Sampaloc, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:20 ng gabi sa panulukan ng Maria Luisa St. at Mindanao Avenue, Sampaloc. Papauwi na umano si Calubaguis na naka-uniporme pa nang madaanan ang grupo ni Agapito kasama ang ilan pang kabataan na nag-iingay sa kalsada.
Pinagsabihan umano ng pulis ang mga kabataan ngunit sa halip umano na igalang siya ay kinantiyawan pa siya ng mga ito. Sinabi pa ng suspect na tinangka pa umano siyang pagtulungan gulpihin ng mga kabataan kaya napilitan siyang magbunot ng baril at magpaputok kung saan tinamaan si Agapito.
Pagdedepensa lamang umano sa sarili ang kanyang ginawa. Kasalukuyan pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol dito, habang inihahanda na rin ang kaso laban sa naturang pulis. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended