Textmate kinatay, ibinaon sa poso-negro
February 23, 2006 | 12:00am
Karumal-dumal ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang brutal na patayin ng mag-live-in partner at pagkatapos ay ibinaon pa sa poso-negro upang itago ang krimen, kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.
Ang biktima na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ay tinatayang nasa gulang na 25-35 anyos, may taas na 54 talampakan, balingkinitan ang katawan at may tattoo sa dibdib na "DHEL". Natagpuan ito dakong alas-4:45 ng hapon sa loob ng poso-negro ng inuupahang apartment ng mag-live-in partner na nakilalang sina Roberto Fernandez at Angelita Marquez sa Blk. 36, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills ng nabanggit na lungsod.
Ang dalawa ay pinaniniwalaan ng pulisya na may kagagawan sa naganap na krimen.
Ayon kay PO3 Adonis Bacarra, may hawak ng kaso, isang tawag ang kanilang natanggap mula sa isang Wenceslao Plaza, 69, na siyang nakakita sa bangkay ng biktima kaya agad na rumesponde ang pulisya sa lugar.
Doon nila natagpuan ang bangkay ng biktima na una ang ulong ibinaon sa poso-negro at dahil sa hindi magkasya ay pinutol pa ang magkabilang braso.
Nang maiangat ang bangkay ng biktima sa poso-negro ay nabatid na nilaslas pa ng mga suspect ang tiyan at dibdib nito.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni Bacara na ka-textmate umano ni Marquez ang biktima at nagkaroon sila ng relasyon.
Posibleng nalaman umano ito ng live-in partner ng babae na si Fernandez kaya upang makaganti ay pinaimbitahan pa ng huli sa una ang biktima upang mag-inuman sa kanilang bahay at nang malasing ay pinagtulungang patayin.
Upang maitago ang krimen ay ibinaon pa ng dalawa ang biktima sa poso- negro bago tuluyang tumakas.
Isang malawakang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya para sa agarang pagkaaresto sa mga suspect. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am