Manhunt vs rumatrat sa anak ng judge
February 22, 2006 | 12:00am
Isang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawang lalaki na bumaril at nakasugat sa anak ni QC RTC Judge Alejandro Jurado, kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lugar.
Ang mga suspect ay sina Marlon Fernandez at isang alyas Emay na kinilala ng ilang saksi.
Nakilala ang biktima na si Andrew Rey Jurado, 23, college student ng Block 10, Lot 6 Gilmore St., Hobart Subdivision, Zabarte, Quezon City. Nagtamo ito ng isang tama ng bala ng baril sa ulo.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng hapon sa tapat ng bahay ng biktima.
Kalalabas lamang nito ng bahay nang sumulpot ang mga suspect na magka-angkas sa isang motorsiklo at walang sabi-sabing binaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril mabilis na humarurot papalayo ang mga suspect habang ang biktima naman ay isinugod sa pagamutan.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa mga kasong hawak ng ama ang pamamaril o may alitan ang biktima at mga suspect. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended