^

Metro

Pugad ng holdaper sinalakay

-
Isang notoryus na estero na pugad ng mga holdaper na bumibiktima ng mga estudyante at mga pampasaherong jeep ang sinalakay ng Task Force Galugad ng Manila Police District kung saan umaabot sa 28 katao ang dinakip, kamakalawa ng gabi sa Sta, Cruz, Manila.

Sa 28 katao, tatlo sa mga ito ang napatunayang nahaharap sa standing warrant of arrest dahil sa kasong panghoholdap. Nakilala ang mga ito na sina Marvin Padilla, 18; Michael Ronquillo, 20; at Lemark del Carmen, 21, pawang residente ng Estero sa may Lope de Vega at Fugoso St. Sta. Cruz.

Sinabi ni Chief Inspector Alex Yanquiling, hepe ng TF Galugad na lumapit sa kanilang tanggapan si Chairman Angel Rivero ng Brgy. 330 Zone 33, Sta. Cruz upang linisin ang naturang lugar dahil sa ginagawang kuta ng mga holdaper.

Dakong alas-10:30 ng gabi, armado ng search warrant sinalakay ng mga awtoridad ang naturang estero.

Nabatid na marami pa sanang madadakip ang mga operatiba ngunit nagsitakas ang maraming kalalakihan sa bubungan ng estero at mga sikretong lungga.

Matapos sumailalim sa beripikasyon, tatlo sa mga inarestro ang napatunayang may mga kaso ng panghoholdap habang pinalaya na ang iba pa. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN ANGEL RIVERO

CHIEF INSPECTOR ALEX YANQUILING

CRUZ

DANILO GARCIA

FUGOSO ST. STA

MANILA POLICE DISTRICT

MARVIN PADILLA

MICHAEL RONQUILLO

TASK FORCE GALUGAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with