148 nadakip sa shabu tiangge, kinasuhan
February 21, 2006 | 12:00am
Sinampahan na ng kasong kriminal ng Department of Justice (DoJ) ang 148 akusado na nadakip kaugnay sa shabu tiangge sa Pasig City.
Sa ipinalabas na resolusyon ng DoJ, ang naturang mga akusado ay sinampahan ng kasong paglabag sa section 5,6,7, 11, 12 at 13 ng Republic Act No. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Pasig Regional Trial Court.
Ang mga nabanggit na akusado ay dinakip dahil sa umanoy pagtatago, pagbebenta, pagmamantine at paggamit ng ilegal na droga.
Inirekomenda naman ng prosecution na hindi makapagpiyansa ang mga akusado na napatunayang sangkot sa pagpapanatili o pagmementina sa nasabing shabu tiangge.
Nabatid na 200 katao ang unang naaresto ng Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force (AIDSOTF) ngunit 52 katao ang pinakawalan dahil sa wala umanong sapat na ebidensiya.
Ipinaliwanag ng prosecuting panel sa pangunguna ni State Prosecutor Marlette Balagtas at Elizabeth Derbal na mayroong matibay na ebidensiya laban sa mga naarestong akusado kung kayat agad isinulong ang nasabing kaso.
Una nang naaresto ang mga akusado noong nakalipas na Pebrero 10, 2006 sa isang compound sa F. Soriano St., Brgy. Sto. Tomas sa Pasig City.
Ang raid ay isinagawa sa bisa ng ipinalabas na search warrant ni QC RTC Executive Judge Natividad Giron-Dizon. (Grace Amargo dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended