^

Metro

Pasugalan sinalakay

-
Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (DIID) ang itinuturing na ala-"Las Vegas" na pasugalan ang isang lugar sa Quezon City kung saan ay naaresto ang may dalawampu’t dalawang-katao na naaktuhang tumataya sa iba’t ibang sugal kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ni Supt. James Brillantes, hepe ng QCPD-DIID, bandang alas-11:00 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan nito ang Ofelia St. sa Brgy. Bahay-Toro, ng nasabing lungsod kung saan ay nahuling nagtutupada, cara y cruz at sakla ang mga residente dito.

Maliban sa 22-katao na nadakip ay inimbitahan din sa nasabing himpilan si Brgy. Kagawad Eleuterio Geronimo, 48, na pinaniniwalaang organizer ng mga sugalan sa nasabing lugar.

Ayon kay Geronimo, nanghingi na sila ng permiso sa QC Hall para sa pagpapatayo ng simbahan sa nasabing lugar kung saan ang kikitain sa kanilang pagpapatupada at pagsusugal ay gagamitin para sa pagpagawa ng Sto. Cristo Chapel sa kanilang nalalapit na kapistahan.

Subalit hindi pa rin umubra kay Brillantes ang naging dahilan ni Geronimo at ito ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 449 (Anti-Cock fighting Law) at R.A. 1602 (Illegal Gambling) sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa mga naaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang set ng playing card, 41 na pirasong manok na panabong at P2,500 cash. (Doris Franche)

BRGY

CRISTO CHAPEL

DORIS FRANCHE

GERONIMO

ILLEGAL GAMBLING

JAMES BRILLANTES

KAGAWAD ELEUTERIO GERONIMO

LAS VEGAS

OFELIA ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with