Drayber dinedo sa paradahan
February 20, 2006 | 12:00am
Ginulpi saka pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihan ang isang 20-anyos na binata sa terminal ng traysikel sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center, ang biktimang si Rodel Deleña, tricycle driver at residente ng #273 Block 8, Ravel Pit St., Payatas A ng nasabing lungsod sanhi ng mga saksak sa ulo at sugat sa katawan.
Arestado naman ng pulisya ang isa sa apat na suspect na si Ramil Cabandon, 19, binata, janitor at nakatira sa No. 5236 Rado St., IBP Rd., Commonwealth, Q.C.
Sa inisyal na ulat ng QCPD-Criminal Investigation Division (CID), naganap ang krimen sa Litex panulukan ng IBP Rd., bandang alas-12:00 ng madaling-araw.
Lumitaw sa pagsisiyasat na habang nakatayo ang biktima sa lugar ay bigla ng pinalibutan ng apat na suspect saka pinagtulungang saksakin.
Matapos ang insidente ay agad na nagpulasan sa di pa mabatid na direksiyon ang mga suspects, subalit mabilis na naabutan ng mga rumespondeng BSDO ang suspect na si Cabandon.
Pinaniniwalaang matinding galit ang naging motibo sa pagpaslang kung saan ay sadyang inabangan ang biktima.
Patuloy pa rin ang follow-up operation kaugnay dito upang tuluyan nang madakip ang iba pang suspects. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended