Akyat-bahay patay sa parak
February 18, 2006 | 12:00am
Isang magnanakaw ang binaril at napatay ng isang pulis-Quezon City matapos na mang-agaw ng baril, kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.
Tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa suspect na nakilala lamang sa alyas na Mike, may tattoo ng Commando at nakasuot ng t-shirt at maong na shorts.
Iniimbestigahan naman sa QCPD-Criminal Investigation Division si PO2 Noel de Guzman, nakatalaga sa QCPD-District Intelligence and Investigation Division.
Sa ulat ni Sr. Insp. Liza Rillo ng QC-SOCO, naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng madaling-araw sa panulukan ng Matino at Maningning St., Brgy. Sikatuna, Quezon City.
Una rito, lumilitaw na nagsumbong kay de Guzman ang kapatid nito hinggil sa pagpasok sa kanyang bahay ng suspect sa AIB Compound sa Brgy. Sto. Domingo at tangkang magnakaw.
Mabilis na nagresponde si de Guzman kung saan naaresto nito ang suspect, pinosasan at isinakay sa isang Tamaraw FX para dalhin umano sa Camp Karingal upang imbestigahan.
Sinabi ng pulis na bigla tinangka ng suspect na agawin ang kanyang service firearm kung kaya nagpambuno sila hanggang sa mabaril niya ito.
Nabawi sa pulis ang isang .38 cal. rev. na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril sa suspect. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am