Empleyado ng CHED hulog sa ika-6 na palapag ng gusali
February 18, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 33-anyos na empleyado ng Commission on Higher Education (CHED) makaraang mahulog umano ito mula sa ika-anim na palapag ng gusali, kahapon ng umaga sa lungsod ng Pasig.
Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at bali sa katawan ang biktimang kinilalang si Lester Cauilan, information system analyst ng CHED at residente ng 203 Scout Chuatoco St., Brgy. Obrero, Quezon City.
Batay sa ulat ni PO2 Robert Garcia, dakong alas-10:45 ng umaga nang makarinig ng malakas na kalabog ang security guard na si Tolentino Dominisac, 27, nakatalaga sa basement ng Development Academy of the Philippines (DAP) Bldg. kung saan nandoon ang tanggapan ng CHED.
Sa salaysay ni Dominisac, nagulat siya ng may isang malakas na kalabog siyang narinig na nagmula sa driveway sa may San Miguel Avenue, Ortigas Center ng nabanggit na lungsod.
Laking gimbal nito ng makita ang nakahandusay na biktimang sabog ang utak.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na posibleng aksidenteng nahulog ang biktima habang nagtatrabaho, pero hindi rin inaalis ang anggulong posibleng nagpakamatay ito.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ukol dito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended