^

Metro

P55-M ketamine nasamsam sa raid; Bombay arestado

-
Isang Indian national na big-time drug dealer ang dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nakuha sa kanya ang may P55 milyong halaga ng Ketamine sa Parañaque City.

Kinilala ni NBI officer-in-charge Atty. Nestor Mantaring ang dinakip na si Harris Abichandi, 47, residente ng #12 Hamburg St., Merville Subd., Parañaque City.

Sa ulat ni NBI-Special Task Force director Atty. Reynaldo Esmeralda, isa munang impormasyon buhat sa kanilang asset ang kanilang natanggap ukol sa isang "Middle East man" ang nagsasagawa ng importasyon at pagbebenta ng gamot na Stillnox, isang ipinagbabawal na droga, sa mga botika sa Metro Manila.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang Special Task Force at nang mabatid na positibo ang illegal na operasyon, agad silang kumuha ng search warrant sa Manila Regional Trial Court na inilabas ni Judge Antonio Eugenio ng Branch 24.

Sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa bahay ni Abichandi.

Dito nakumpiska ang may 53,304 na vials ng liquid ketamine injection na nagkakahalaga ng P53 milyon at 10 strips ng tigsa-sampung tabletang Stillnox (Zoipidem).

Sinabi ni Mantaring na ang naturang operasyon ang nagresulta ng pagkakumpiska ng pinakamataas na halaga ng Ketamine. Tinatawag rin itong "Super K" o "Ketaclar" na isang gamot para sa kabayo ngunit ginagamit na "upper drug", partikular na ng mga kabataan. (Danilo Garcia at Joy Cantos)

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

HAMBURG ST.

HARRIS ABICHANDI

ISANG INDIAN

JOY CANTOS

JUDGE ANTONIO EUGENIO

KETAMINE

SPECIAL TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with