Kinilala ni Supt. Marcelino Pedrozo, hepe ng MPD-Station 9 ang suspect na si Reynaldo Magsubo, 43, at residente ng Leveriza St., Malate.
Sa imbestigasyon, naganap ang tangkang panghahalay dakong alas-4 ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay.
Nauna rito, nabatid na nakipag-inuman at gumamit ng droga ang suspect bago ito umuwi sa kanilang bahay.
Nabatid na inabutan nito ang 65-anyos na ina na nag-iigib ng tubig sa kanilang gripo na bigla nitong hinaltak at saka pinaghahalikan.
Nagawa pa umanong hubaran ng shorts ng suspect ang ina na nagsisigaw sanhi upang rumesponde ang mga miyembro ng barangay tanod sa lugar na umawat sa sabog na suspect.
Agad namang isinuko sa pulisya ng mga tanod ang suspect kung saan dito na ito nahimasmasan. Sinabi nito na hindi umano niya alam ang kanyang ginagawa at akala niya ay isang babae na nang-aakit sa kanya ang kanyang nakita.
Nabatid rin na kalalabas lamang sa rehabilitation center ng suspect at muling bumalik na naman sa bisyo.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspect. (Danilo Garcia)