^

Metro

Brgy. chairman sa shabu den, sinuspinde

-
Matapos na masibak sa puwesto ang hepe ng Pasig City police na si Senior Supt. Raul Medina sinuspinde naman ni Pasig City Mayor Vicente Eusebio ang barangay chairman sa Sto. Tomas matapos ang nadiskubreng tiangge ng shabu sa lugar na nasasakupan nito.

Naunang sinibak kamakalawa ng gabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Vidal Querol si Medina dahil umano sa nagkulang ito sa pagtupad ng tungkulin makaraang hindi madiskubre ang naturang drug den sa Brgy. Sto. Tomas na doon lantaran ang ginagawang bentahan ng shabu, gayundin ang paggamit nito.

Kahapon naman si Brgy. Chairman Jesus Viray ang sinuspinde ng Mayor.

"Nagkasundo ang konseho kahapon na magpapasa ng resolusyon upang suspendihin si Viray at iakyat ang kaso sa DILG," pahayag ni Eusebio.

Sa panig naman ni Viray, sinabi nitong wala pa siyang natatanggap na papel o utos mula sa alkalde subalit sinabi nito na kung mayroon man tatanggapin niya ito at handa siyang magsakripisyo basta malinis lang sa droga ang kanyang nasasakupan.

Pero sa isang radio interview kay Viray, binanggit nito na buwan pa lamang ng Agosto noong nakaraang taon, humingi na siya ng tulong sa pulis at sa tanggapan ni Mayor Eusebio tungkol sa problema sa droga sa kanyang nasasakupan.

Sa pagkakasibak kay Medina, umaabot na sa 20 tauhan ng pulisyua ang naalis sa puwesto dahil sa pagkakatuklas sa naturang drug den.

Magugunitang aabot sa 300 ang nadakip sa naganap na raid at aabot sa isang kilo ng shabu ang nasamsam.

Samantala, puspusan ang isinasagawang imbestigasyon ngayon ng pinagsanib na elemento ng PDEA at AIDSOTF upang matukoy kung sino ang big fish sa naturang shabu den. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

CHAIRMAN JESUS VIRAY

DIRECTOR VIDAL QUEROL

EDWIN BALASA

MAYOR EUSEBIO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASIG CITY

PASIG CITY MAYOR VICENTE EUSEBIO

RAUL MEDINA

VIRAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with