Valentine suicide: Pulis nagbaril sa hotel
February 15, 2006 | 12:00am
Nagbaril umano sa sarili ang isang bagitong pulis na nakatalaga sa Cotabato-CIDG sa loob ng isang hotel sa Makati City, kahapon ng madaling araw.
Idineklarang dead- on-arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si PO1 Al Francis Camba matapos itong madiskubreng duguan sa loob ng Room 1416 ng Prince Kingstown Hotel sa Legaspi Village sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa kaliwang dibdib.
Sa ulat ng Makati Police, dakong ala-1:15 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay sa nasabing hotel.
Sa inisyal na ulat, nabatid na lumuwas ang biktima mula sa Cotabato upang umeskort sa isang bisitang Amerikano. Dahil nasa Metro Manila na rin umano, naisipan nitong dalawin ang isang Lorraine Megalvin, empleyado ng Ayala Foundation, kaibigan at ka-textmate umano ng biktima sa Cotabato.
Nagtungo si Camba sa hotel na tinutuluyan ni Megalvin subalit wala ang huli ng mga oras na iyon at dumadalo sa isang komperensiya.
Sa salaysay ni Megalvin, nagulat siya nang pumasok sa kuwarto nang makitang nagkulong sa terrace ng kuwarto si Camba kayat pilit niya itong binuksan.
Nagulat siya nang makitang hawak ang baril nito at saka binaril ang sarili, matapos sambitin ang mga katagang "Sawang-sawa na ko sa buhay ko "
Hindi naman matiyak kung ano ang motibo sa isinagawang pagpapakamatay nito.
Pinag-aaralan din ang kaugnay ng mga testimonya ni Megalvin at hindi rin isinaisantabi ang anggulo ng foul play at lovers quarrel.
Palaisipan ang narinig na dalawang putok at narekober na 2 empty shells dahil kung nagbaril ito sa sarili paanong nasundan pa ang unang putok gayung may tama na ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended