Pamangkin ni Gov. Espina todas sa carjack
February 14, 2006 | 12:00am
Tuluyan nang binawian ng buhay habang ginagamot ang isang estudyante na pamangkin ni Guimaras Governor Gerry Espina matapos na barilin ng mga carjackers na umagaw ng kanyang sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Nakilala ang nasawi na si Richard Capili, 19, ng No. 12 Inner Circle St., NSA, BF Homes, Parañaque City. Hindi na naisalba pa ang buhay nito habang ginagamot sa Parañaque Medical Center makaraang magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat bang bahagi ng katawan.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang matagumpay na pang-aagaw sa sasakyan ni Capili.
Sa ulat ni Chief Inspector Ramon Bergonio, ng Parañaque Police, dakong alas-6 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa parking lot ng isang mall na matatagpuan sa may panulukan ng President Avenue at Gil Puyat sa B.F. Homes ng nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon, lulan ng kulay itim na Toyota Revo na may plakang WRY-883 si Capili na nakaparada sa nasabing lugar nang bigla siyang lapitan ng isang lalaki at pilit na inaagaw sa kanya ang sasakyan.
Pumalag ang biktima at tumanggi na ibigay ang kanyang sasakyan dahilan upang ratratin ito ng mga suspect.
Hinala ng mga suspect pababa sa sasakyan ang duguang biktima at saka tuluyang kinuha ang Revo na ginamit sa kanilang pagtakas.
Nabatid na hinihintay ni Capili ang kapatid nitong babae na kasalukuyang namimili sa loob ng mall nang maganap ang insidente.
Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng mga awtoridad laban sa mga suspect. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended