Magkumpareng"tulak" arestado
February 13, 2006 | 12:00am
Kapwa arestado ang isang magkumpare na "tulak" ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Kasalukuyan na ngayong nakakulong at nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspect na sina Crisanto Sy, 35, residente ng Block 9, Lot 5, Phase 7 at Norly Gamursalan, 28 at residente ng Block 9, Lot 21, Phase 2, kapwa ng Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon nang maaresto ang mga suspect sa kahabaan ng Labahita St., Bgy. Longos, Malabon City. Nabatid na matagal ng isinailalim sa surveillance ng pulisya ang mga suspect at nang matyempuhan ang mga ito ay agad na isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta nga sa pagkaaresto ng mga ito.
Nakuha mula sa posesyon ng mga suspect ang marked money na ginamit sa pagbitag sa kanila at ang pitong sachet ng shabu. Napag-alaman pa na matagal ng labas-masok sa kulungan ang mga suspect dahil sa "pagtutulak" ng ipinagbabawal na droga, subalit nakakalabas din ang mga ito dahil na rin sa kakulangan ng ebidensya. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am