Asst. location manager ng "Wowowee", "15-30" pulis pala ng QCPD
February 13, 2006 | 12:00am
Kabilang umano sa mga "15-30" na pulis ang assistant location manager ng "Wowowee" na si Rey Cayabyab na sinasabing isang taon na ring hindi pumapasok sa kanyang mother unit sa Quezon City Police District-Anonas Station 9 na nasa ilalim ng pamumuno ni Supt. Agripino Agcaoili.
Batay sa nakalap na impormasyon, si Cayabyab umano ay PO2 Rey Cayabyab at assistant finance officer ng QCPD-Anonas Station.
Ayon sa source, posibleng ang hindi pagpasok ni Cayabyab sa police station ay dahil sa pagiging abala nito sa programang "Wowowee".
Si Cayabyab at isang Mel Feliciano umano ang itinuturong dahilan ng stampede noong Pebrero 4 matapos na ihayag ng mga ito na limitado lamang ang kanilang ipamimigay na tiket.
Nabatid na hindi na makita ngayon si Cayabyab at pinaniniwalaang nagtago na ito matapos ang stampede sa Ultra na ikinamatay ng 74 katao at malubhang ikinasugat naman ng mahigit sa 300.
Ayaw namang sagutin nina QCPD Director Chief Supt. Nicasio Radovan at Agcaoili ang kanilang mga cellular phone upang magbigay ng reaksyon hinggil sa nasabing isyu. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended