Ang naturang hakbang ay bunga na rin ng sunod-sunod na reklamo ng mga concerned citizens hinggil sa mga adik na kabataan na itinuturing na mga "undesirables" sa lipunan.
Ayon kay MMDA chairman Bayani Fernando, layunin ng ahensya hindi lamang upang linisin ang mga lansangan kundi mabigyan rin ng magandang pagkakataon ang mga kabataang ito na maitaas ang kanilang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng mga tulong na magmumula sa mga Non-Governmental Organizations (NGOs).
Aniya, maaari pang magbago ang mga tinaguriang "rugby boys" kung tututukan ng institusyon ng kabataan ang pagtuturo ng tamang direksyon at paghahanapbuhay ng marangal upang maiwasan ang pagiging palaboy at pagsinghot ng solvent. (Ludy Bermudo)