^

Metro

‘Rugby boys’ wawalisin

-
Mas paiigtingin ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang clearing operations hindi lamang sa mga sidewalk vendors at mga pulubi kundi pati na rin sa mga palaboy na "rugby boys" sa mga lansangan ng Metro Manila.

Ang naturang hakbang ay bunga na rin ng sunod-sunod na reklamo ng mga concerned citizens hinggil sa mga adik na kabataan na itinuturing na mga "undesirables" sa lipunan.

Ayon kay MMDA chairman Bayani Fernando, layunin ng ahensya hindi lamang upang linisin ang mga lansangan kundi mabigyan rin ng magandang pagkakataon ang mga kabataang ito na maitaas ang kanilang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng mga tulong na magmumula sa mga Non-Governmental Organizations (NGOs).

Aniya, maaari pang magbago ang mga tinaguriang "rugby boys" kung tututukan ng institusyon ng kabataan ang pagtuturo ng tamang direksyon at paghahanapbuhay ng marangal upang maiwasan ang pagiging palaboy at pagsinghot ng solvent. (Ludy Bermudo)

ANIYA

AYON

BAYANI FERNANDO

LUDY BERMUDO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NON-GOVERNMENTAL ORGANIZATIONS

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with