44-katao inaresto sa saturation drive
February 12, 2006 | 12:00am
Apatnaput apat katao ang inaresto ng pamunuan ng Manila Police District (MPD)-Station 3 sa isinagawang saturation drive sa ilang lugar sa Quiapo, Manila, kahapon ng umaga.
Sa report ni Supt. Romulo Sapitula, hepe ng MPD-Station 3, dakong alas-5 ng umaga nang isagawa ang pagsalakay sa kapaligiran ng Basan, Carlos Palanca, Hidalgo at Evangelista Sts. sa Quiapo.
Ang pagsalakay sa nabanggit na lugar ay bunsod sa patuloy na isinusulong na anti-crime operation ng pulisya upang masugpo ang kriminal elements.
Sa 44-katao na inaresto, 21 dito ay sinampahan ng kasong paglabag sa vagrancy habang ang natitira ay isinumite ang kanilang pangalan para sa "character verification" na isasagawa ng MPD-Criminal Record and Investigation Division (CRID). (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended