^

Metro

Karpintero, electrician itinuro sa QC massacre

-
Isinailalim kahapon sa physical examination ng Quezon City Scene of the Crime Operations (SOCO) ang isang karpintero at isang electrician na itinuro ni Nelson Borja na umano’y pumaslang sa kanyang biyenan at mag-ina noong Huwebes ng umaga sa Quezon City.

Ayon sa pulisya inimbitahan nila sina Virgilio Tulawin, 34; at Richard Balisong, 32, matapos na ituro ni Borja na siyang pumaslang sa kanyang biyenan na si Narcisa Elpidez, 65; at sa misis na si Jonah, 32, at anak na si Juliana, 7-buwan.

Natagpuang naliligo sa dugo ang mga biktima bunga ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pukpok ng martilyo sa ulo. Binigti rin si Elpidez ng telephone cord.

Sinabi naman ni Tulawin na ang kanyang mga sugat sa braso at katawan ay nakuha niya mula sa pagkakamot bunga ng mga lamok sa kanilang lugar. Bagama’t inamin nito na nawawala ang kanyang martilyo na pinaniniwalaan namang ginamit ng suspect sa pamamaslang.

Sinisiyasat naman ng QC-SOCO ang t-shirt nito na nakitaan ng bahid ng dugo. Itinanggi nito na may kinalaman siya sa naganap na pagmasaker sa tatlong biktima.

Ikinagulat naman ni Balisong ang pagdadawit sa kanya ni Borja sa krimen sa pagsasabing magkasama sila sa bahay ni Tulawin nang maganap ang krimen. Dalawang taon na siyang nangungupahan kay Elpidez subalit wala naman silang naging problema sa upa sa bahay. Aniya, mabait na kasera si Elpidez.

Sa ngayon ay nasa kustodya pa rin ng pulisya si Borja kung saan muli itong isasailalim sa imbestigasyon. (Doris Franche)

vuukle comment

BORJA

DORIS FRANCHE

ELPIDEZ

NARCISA ELPIDEZ

NELSON BORJA

QUEZON CITY

QUEZON CITY SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

RICHARD BALISONG

TULAWIN

VIRGILIO TULAWIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with