Parak kritikal sa holdap
February 12, 2006 | 12:00am
Kritikal sa pagamutan ang isang pulis-CPD makaraang manlaban ito sa tatlong holdaper at agawan ng service firearm ang una, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Ang biktimang si SPO4 Teodoro Lazo, 51, nakatalaga sa Central Police District (CPD) at residente ng Block 16, Lot 11, Phase 2, Area 3, Dalagang Bukid St., Malabon City ay patuloy pang inoobserbahan sa Chinese General Hospital sanhi ng mga malalim na tama ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa C-3 Road, Sawata St., Caloocan City. Nabatid na kasalukuyang sakay ng kanyang kotse ang biktima nang bigla itong maubusan ng gasoline sa nabanggit na lugar.
Agad na bumaba ang biktima bitbit ang isang container para bumil ng gasoline sa kalapit na gasoline station. Nang bumalik umano ang biktima sa kanyang kotse ay nakaabang na sa kanya ang tatlong holdaper na pawang armado ng patalim na agad na nagdeklara ng holdap.
Pilit na nanlaban ang biktima ngunit pinagsasaksak ito ng mga suspect at inagaw sa una ang kanyang 9mm service firearm. Duguang iniwan ng mga tumakas na suspect ang biktima na agad namang dinala sa nabanggit na pagamutan ng mga nagmalasakit na motorista. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest