Dahil dito, agad na pinalabas ang mga estudyante para matiyak ang kanilang kaligtasan, ayon kay Milagros Dizon, administrative officer sa Macario B. Asistio High School.
Ayon sa ulat, isang caller na boses bakla ang tumawag sa paaralan dakong alas-11:35 ng umaga na natanggap naman ni Ariel de Torres, clerk sa paaralan na nagsabing may bombang nakatanim sa may library ng eskuwelahan at anumang oras ay sasabog.
Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng SWAT subalit makalipas ang mahigit sa dalawang oras na pag-iinspeksyon sa lugar ay walang nakuhang anumang bomba. Hindi mabatid ng pulisya kung bakit mga paaralan ngayon ang napagkakatuwaang bulabugin ng mga bomb threat. (Ricky Tulipat)