^

Metro

NLEX pinaralisa: Truck owners/drivers nagrali

-
Nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko kahapon sa North Luzon Expressway (NLEX), makaraang magsagawa ng kilos-protesta ang daan-daang operators at drivers ng truck na pinamumunuan ng Alliance of Concerned Truck Owners Organization (ACTOO).

Alas-8:30 ng umaga kahapon nang magsidatingan ang tinatayang 400 na truck sa Manila North Tollways Corp. (MNTC) at nagsagawa ng rally upang ihayag ang kanilang mariing pagkondena sa umano’y hindi makatarungang panghuhuli at hindi pagpapadaan sa mga truck sa naturang highway.

Nabatid kay Ricky Papa, presidente ng ACTOO na hindi sila titigil sa pagsasagawa ng rally sa NLEX hangga’t hindi pinapayagan ang kanilang mga truck na dumaan sa nasabing highway at hangga’t hindi itinitigil ng mga kagawad ng Land Transportation Office (LTO) ang panghuhuli sa kanilang truck.

"Hindi naman kami maaaring dumaan sa Tullahan bridge sa MacArthur Highway, Malinta bridge, Marilao bridge at sa tulay ng Calumpit dahil baka bumigay ang nasabing mga tulay at tanging ang NLEX lamang ang pinakaligtas at mabilis na daanan," pahayag pa ni Papa.

Sinabi pa ng mga truck driver at operator na nararapat din umanong ipatupad ng maayos ang overloading law at sa mga pantalan umpisahan ang pagpapatupad ng maayos at tamang timbang ng mga kargamento ng truck upang maiwasan ang paglabag sa nasabing batas. (Rose Tamayo)

ALLIANCE OF CONCERNED TRUCK OWNERS ORGANIZATION

CALUMPIT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA NORTH TOLLWAYS CORP

NORTH LUZON EXPRESSWAY

RICKY PAPA

ROSE TAMAYO

TRUCK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with