Trader patay sa 5 armado; anak kritikal
February 10, 2006 | 12:00am
Harapang binaril ng limang hindi nakilalang armadong kalalakihan ang isang mayamang negosyante at anak nitong lalaki, habang nakatingin ang maybahay nito, sa loob ng sariling tahanan, sa Muntinlupa City, sa ulat kahapon.
Dead-on-arrival sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Tito Patdu, 58, dulot ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan, habang kritikal naman sa nasabi ring pagamutan ang anak na si Joey, 24, empleyado ng Muntinlupa City Hall, na nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib.
Tulala pa ang misis ng biktima na si Minda Patdu, 56, nang puntahan ng pulisya ang krimen dahil sa pagkakasaksi nito sa brutal na pamamaslang sa kanyang mister.
Sa report ni SPO1 Ricardo Gomez ng Muntinlupa Police-Criminal Investigation Unit, dakong alas-8:30 ng gabi nang pumasok ang mga suspect sa loob ng tahanan ng mga biktima sa Estanislao St., Lakeview Homes, Putatan, Muntinlupa.
Nagkunwari umano ang mga suspect na bibili lamang ng drum na itinitinda ng mga biktima. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended