^

Metro

Dinky Soliman hindi nagpasok ng plea

-
Tumangging magpasok ng plea sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) si dating Social Welfare Secretary Corazon ‘Dinky’ Soliman sa ginawang pagbasa ng demanda sa kanya kaugnay ng P20 milyong libel suit na isinampa ni Alagad Partylist Rep. Rodante Marcoleta.

Sa kanyang panig sinabi ni Atty. Marivic Leonen, abogado ni Soliman na dapat munang aksiyunan ni QC RTC Judge Rosanna Romero Maglaya ang naisampa nilang motion to quash kaugnay ng kaso.

Binigyan naman ni Judge Maglaya ang prosekusyon ng 10 araw upang aksiyunan ang naturang mosyon.

Inaprubahan naman ni Maglaya ang request ni Soliman na makapunta sa Cambodia upang makadalo sa ASEAN-NGO Leaders Conference.

Pinayagan siya ng korte ng makalabas ng bansa hanggang Pebrero 10.

Si Marcoleta ay nagsampa ng kasong libel kay Soliman matapos na sabihin ng huli na narinig niya ang Pangulong Arroyo na kinakausap si Marcoleta upang eendorso ang impeachment complaint na isinampa ni Atty. Oliver Lozano.

Agad naman itong itinanggi rin ng mga kaalyado ng Pangulong Arroyo sa Mababang Kapulungan. (Angie dela Cruz)

ALAGAD PARTYLIST REP

JUDGE MAGLAYA

JUDGE ROSANNA ROMERO MAGLAYA

LEADERS CONFERENCE

MABABANG KAPULUNGAN

MARIVIC LEONEN

OLIVER LOZANO

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RODANTE MARCOLETA

SOLIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with