Sa siyam na pahinang resolution na ipinalabas ni State Prosecutor Roseann Balauag, sinabi nito na hindi napagkalooban si Velasquez ng due process at maituturing na premature.
Ipinaliwanag pa ng DoJ na dapat ay pinagbigyan muna ng BIR si Velasquez na makapagbigay ng kanyang paliwanag o mailahad ang kanyang panig.
Magugunita na sinampahan ng kasong tax evasion ng BIR si Velasquez o si Regina Encarnacion Asong sa tunay na buhay, dahil sa umanoy hindi pagdedeklara sa gobyerno ng 50-porsiyento nitong tunay na kita.
Sa rekord, hindi umano idineklara lahat ng singer ang kanyang kinita sa commercial nitong Nestle Phil. Inc. na nagkakahalaga ng P3.7 milyon.
At noong kalagitnaan ng 2005 ay nadiskubre ng DoJ na kulang ng P7.5 M ang ibinayad nitong buwis sa gobyerno. Ngunit, nangako naman si Velasquez na ito ay kanyang aayusin at babayaran. (Grace dela Cruz)