^

Metro

Regine Velasquez absuwelto sa tax evasion

-
Inabsuwelto ng Department of Justice (DoJ) sa kasong tax evasion ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez dahil sa umano’y pagiging premature ng kaso nito.

Sa siyam na pahinang resolution na ipinalabas ni State Prosecutor Roseann Balauag, sinabi nito na hindi napagkalooban si Velasquez ng due process at maituturing na premature.

Ipinaliwanag pa ng DoJ na dapat ay pinagbigyan muna ng BIR si Velasquez na makapagbigay ng kanyang paliwanag o mailahad ang kanyang panig.

Magugunita na sinampahan ng kasong tax evasion ng BIR si Velasquez o si Regina Encarnacion Asong sa tunay na buhay, dahil sa umano’y hindi pagdedeklara sa gobyerno ng 50-porsiyento nitong tunay na kita.

Sa rekord, hindi umano idineklara lahat ng singer ang kanyang kinita sa commercial nitong Nestle Phil. Inc. na nagkakahalaga ng P3.7 milyon.

At noong kalagitnaan ng 2005 ay nadiskubre ng DoJ na kulang ng P7.5 M ang ibinayad nitong buwis sa gobyerno. Ngunit, nangako naman si Velasquez na ito ay kanyang aayusin at babayaran. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

INABSUWELTO

IPINALIWANAG

MAGUGUNITA

NESTLE PHIL

NGUNIT

REGINA ENCARNACION ASONG

REGINE VELASQUEZ

STATE PROSECUTOR ROSEANN BALAUAG

VELASQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with