^

Metro

Tubero kinatay ng mag-ama

-
Kinatay ng isang mag-ama ang kapitbahay nilang tubero matapos silang talikuran nito habang pinagmumura at inaalipusta nang mapikon kahapon ng umaga sa Taguig City.

Hindi na binigyan pa ng pagkakataong mabuhay ng mag-amang suspect ang biktimang si Anselmo Mainit Sr., 45, ng NPC Rojale St., Kalsada de Paz, Taguig City, bunga ng 12 tama ng taga sa likod na umabot sa 10, apat sa ulo at dalawang saksak sa katawan.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang mga suspect na kinilalang sina Roger Barbatiano at anak na si Walter, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng Pasay City Police Station 1, alas-10:20 ng umaga kahapon nang maganap ang madugong insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Masayang nakatayo lamang ang biktima sa tapat ng kanyang bahay nang biglang sumugod ang mag-ama na kapwa umano lasing at galit na galit sa biktima.

Pinagmumura umano ng mag-ama si Mainit subalit hindi pinatulan ang mga ito at tinalikuran lamang.

Dahil sa ginawang di pagpansin sa mga suspect, umalis ang mag-ama at nang magbalik ay armado ng itak at kutsilyo at halinhinang pinagtataga at saksak ang biktima.

Tila nahimasmasan lamang ang mag-ama sa kalasingan nang makita ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa kalsada kaya’t agad na nagsitakas.

Habang isinusulat ang balitang ito ay blangko pa ang awtoridad sa tunay na motibo ng pamamaslang. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANSELMO MAINIT SR.

BIKTIMA

DAHIL

HABANG

KALSADA

LUDY BERMUDO

PASAY CITY POLICE STATION

ROGER BARBATIANO

ROJALE ST.

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with