Kabilang sa refilling stations ang OSD Merchandise at Meta Commercial, sa Caloocan; Capitol Allied Trading sa Quezon City; at D-R LPG Gas Center sa Tondo.
Kasamang nag-ikot para sa inspeksiyon ng DOE-Task Force ang operatiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) at tauhan ng Office of the Vice-President.
Ang mga tangke, ayon sa pagsusuri ay pawang substandard na maaaring maging sanhi ng sunog.
Inirekomenda ng awtoridad sa local na pamahalaan ng Quezon City, Caloocan at Maynila na kanselahin na ang mga business permit na inisyu sa nasabing establisimiyento.
Nagbabala na rin ang DOE sa iba pang establisimiyento na tigilan na ang panloloko sa mga consumer upang hindi humantong sa pagsasara ng kanilang mga tindahan. (Ludy Bermudo)