^

Metro

4 refilling station ng LPG ipapasara

-
Posibleng maipasara ng Department of Energy (DOE) ang 4 na refilling station ng liquefied petroleum gas (LPG) na nadiskubreng nagbebenta ng kulang sa timbang na tangke nito, sa isang sorpresang inspeksiyon ng binuong task force ng ahensiya.

Kabilang sa refilling stations ang OSD Merchandise at Meta Commercial, sa Caloocan; Capitol Allied Trading sa Quezon City; at D-R LPG Gas Center sa Tondo.

Kasamang nag-ikot para sa inspeksiyon ng DOE-Task Force ang operatiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) at tauhan ng Office of the Vice-President.

Ang mga tangke, ayon sa pagsusuri ay pawang substandard na maaaring maging sanhi ng sunog.

Inirekomenda ng awtoridad sa local na pamahalaan ng Quezon City, Caloocan at Maynila na kanselahin na ang mga business permit na inisyu sa nasabing establisimiyento.

Nagbabala na rin ang DOE sa iba pang establisimiyento na tigilan na ang panloloko sa mga consumer upang hindi humantong sa pagsasara ng kanilang mga tindahan. (Ludy Bermudo)

CALOOCAN

CAPITOL ALLIED TRADING

DEPARTMENT OF ENERGY

GAS CENTER

LUDY BERMUDO

META COMMERCIAL

OFFICE OF THE VICE-PRESIDENT

QUEZON CITY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with