Trader tumalon buhat sa 15th floor ng 5-star hotel
February 5, 2006 | 12:00am
Pinaniniwalaang takot harapin ang responsibilidad, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa 15th floor ng isang kilalang hotel ang isang 30-anyos na negosyante at miyembro ng Inner Wheel Club of the Philippines sa Intramuros, Maynila kahapon ng umaga.
Bali-bali ang buto ng biktimang si Concepcion Bajamunde, ng Brgy. Bolatok, Pagadian City.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Division dakong alas-6:30 ng umaga nang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa 15th floor at bumagsak ang katawan nito sa 2nd floor ng Manila Hotel sa Agripina Circle, Manila Hotel, Intramuros, Manila.
Sinasabing dumating ang biktima at ilang kasamahan nitong miyembro ng Inner Wheel Club of the Philippines mula Pagadian City noong Pebrero 1, 2006 at pansamantalang tumuloy sa Las Palmas sa Roxas Boulevard, Malate para dumalo sa taunang convention na nagsimula mula Pebrero 3-4.
Subalit noong Pebrero 2, ay lumipat ito sa Manila Hotel at tumigil sa Room 1504 kasama ang kapwa niya miyembro na sina Ann Pullesca,73; at Concepcion Luy.
Sinasabi pang bago naganap ang pagpapakamatay ng biktima ay nag-uusap ang biktima kasama sina Pullesca at Concepcion hinggil sa planong inominate ang una bilang susunod na Pagadian City District Chairman ng Inner Wheel Club of the Philippines.
Idinadaing umano ng biktima na natatakot umano itong tanggapin ang alok bilang susunod na District Chairman dahil baka hindi niya makaya ang responsibilidad hanggang sa nakita na lamang ng kasamahan nito na binasag nito ang salaming bintana ng kuwarto at saka tumalon. Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Gemma Amargo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended